Emmaus

MBB

Mga Awit 30

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 30
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin ng Pagpapasalamat1Pinupuri kita, Yahweh, pagkat ako'y iyong iniligtas, mga kaaway ko'y di mo hinayaang magmataas. 2Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing, at ako nama'y iyong pinagaling. 3Hinango mo ako mula sa libingan, at mula sa hukay, ako'y muli mong binuhay. 4Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan! 5Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak. 6Sinabi ko sa sarili pagkat ako'y panatag, “Kailanma'y hindi ako matitinag.” 7Kay buti mo, Yahweh, ako'y iyong iningatan, tulad sa isang muog sa kabundukan. Ngunit natakot ako, nang ako'y iyong iwan. 8Sa iyo, Yahweh, ako'y nanawagan, nagsumamo na ako ay tulungan: 9“Anong halaga pa kung ako'y mamamatay? Anong pakinabang kung malibing sa hukay? Makakapagpuri ba ang mga walang buhay? Maipapahayag ba nila ang iyong katapatan? 10Pakinggan mo ako, Yahweh, at kahabagan, O Yahweh, ako po sana'y tulungan!” 11Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit. 12Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Trợ lý Emmaus