Emmaus

MBB

Mga Awit 4

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 4
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin sa Gabi1Sagutin mo po ang aking pagtawag, O Diyos, na aking kalasag! Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan, kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan. 2Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin? Ang walang kabuluhan at kasinungalingan, hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah) 3Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid, kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig. 4Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit; sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah) 5Nararapat na handog, inyong ialay, pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay. 6Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?” Ikaw, O Yahweh, ang totoong mahabagin! 7Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin. 8Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

Trợ lý Emmaus