Emmaus

MBB

Mga Awit 5

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 5
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos1Pakinggan mo, Yahweh, ang aking pagdaing, ang aking panaghoy, sana'y bigyang pansin. 2Aking Diyos at hari, karaingan ko'y pakinggan, sapagkat sa iyo lang ako nananawagan. 3Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin. 4Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan. 5Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan, mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman. 6Pinupuksa mo, Yahweh, ang mga sinungaling, galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang. 7Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal, makakapasok ako sa iyong tahanan; ika'y sambahin ko sa Templo mong banal, luluhod ako tanda ng aking paggalang. 8Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran, dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang, landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan. 9Ang mga sinasabi ng mga kaaway ko'y kasinungalingan; saloobin nila'y pawang kabulukan; parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan, pananalita nila'y pawang panlilinlang. 10O Diyos, sila sana'y iyong panagutin, sa sariling pakana, sila'y iyong pabagsakin; sa dami ng pagkakasala nila, sila'y iyong itakwil, sapagkat mapaghimagsik sila at mga suwail. 11Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan. 12Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig.

Trợ lý Emmaus