Emmaus

MBB

Mga Awit 6

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 6
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin sa Panahon ng Bagabag1O Yahweh, huwag mo akong sumbatan nang dahil lamang sa galit, o kaya'y parusahan kapag ika'y nag-iinit. 2Ubos na ang lakas ko, ako'y iyong kahabagan, pagalingin mo ako, mga buto ko'y nangangatal. 3Ang aking kaluluwa'y lubha nang nahihirapan, O Yahweh, ito kaya'y hanggang kailan magtatagal? 4Magbalik ka, O Yahweh, at buhay ko'y iligtas, hanguin mo ako ng pag-ibig mong wagas. 5Kapag ako ay namatay, di na kita maaalala, sa daigdig ng mga patay, sinong sa iyo'y sasamba? 6Pinanghihina ako nitong aking karamdaman; gabi-gabi'y basa sa luha itong aking higaan, binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan. 7Mata ko'y namamaga dahil sa aking pagluha, halos di na makakita, mga kaaway ko ang may gawa. 8Kayong masasama, ako'y inyong layuan, pagkat dininig ni Yahweh ang aking karaingan. 9Dinirinig ni Yahweh ang aking pagdaing, at sasagutin niya ang aking panalangin. 10Ang mga kaaway ko'y daranas ng matinding takot at kahihiyan; sila'y aatras at sa biglang pagkalito'y magtatakbuhan.

Trợ lý Emmaus