Emmaus

MBB

Mga Awit 46

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 46
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Diyos ay Sumasaatin1Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. 2Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; 3kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah) 4May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo'y ligaya ang dulot. 5Ang tahanang-lunsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga. 6Nangingilabot din bansa't kaharian, sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam. 7Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah) 8Anuman ang kanyang ginawa sa lupa, sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga! 9Maging pagbabaka ay napatitigil, sibat at palaso'y madaling sirain; baluting sanggalang ay kayang tupukin! 10Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.” 11Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)

Trợ lý Emmaus