Emmaus

MBB

Mga Awit 47

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 47
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Kataas-taasang Hari1Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila! 2Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang; siya'y naghahari sa sangkatauhan. 3Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao, sa lahat ng bansa'y namahala tayo. 4Siya ang pumili ng ating tahanan, ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah) 5Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos, sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog. 6Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya'y papurihan! 7Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; awita't purihin ng mga nilikha! 8Maghahari siya sa lahat ng bansa, magmula sa tronong banal at dakila. 9Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham, sasama ang mga pamunuan ng lahat ng bansa sa sandaigdigan. Ang mga sandata ng lahat ng kawal, lahat ay sa Diyos na kataas-taasan.

Trợ lý Emmaus