Emmaus

MBB

Mga Awit 48

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 48
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Zion, ang Bayan ng Diyos1Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal. 2Ang Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod; bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob. 3Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman, sa loob ng muog ng banal na bayan. 4Itong mga hari ay nagtipun-tipon, upang sumalakay sa Bundok ng Zion. 5Sila ay nagulat nang ito'y mamasdan, pawang nagsitakas at nahintakutan. 6Ang nakakatulad ng pangamba nila ay pagluluwal ng butihing ina. 7Tulad ng malaking barkong naglalayag, sa hanging silangan dagling nawawasak. 8Sa banal na lunsod ay aming namasid ang kanyang ginawa na aming narinig; ang Diyos na si Yahweh, Makapangyarihan, siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya magpakailanman. (Selah) 9Sa loob ng iyong templo, aming Diyos, nagunita namin pag-ibig mong lubos. 10Ika'y pinupuri ng lahat saanman, sa buong daigdig ang dakila'y ikaw, at kung mamahala ay makatarungan. 11Kayong taga-Zion, dapat na magalak! At ang buong Juda'y magdiwang na lahat, dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak. 12Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat ng tore doon ay bilangin; 13ang nakapaligid na pader pansinin, mga muog nito'y inyong siyasatin; upang sa susunod na lahi'y isaysay, 14na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman, sa buong panahon siya ang patnubay.

Trợ lý Emmaus