Emmaus

MBB

Mga Awit 50

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 50
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Tunay na Pagsamba1Ang Makapangyarihang Diyos, si Yahweh ay nagsasaysay, ang lahat ay tinatawag sa silangan at kanluran. 2Magmula sa dakong Zion, ang lunsod ng kagandahan, makikita siyang nagniningning sa kaluwalhatian. 3Ang Diyos natin ay darating, ngunit hindi matahimik; sa unaha'y nangunguna ang apoy na nagngangalit, bumabagyong ubod-lakas, humahangin sa paligid. 4Ginagawa niyang saksi ang lupa at kalangitan, upang masdan ang ganitong paghatol sa mga hirang: 5“Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin, silang tapat sa kasunduan at nag-aalay ng handog.” 6Ang buong kalangita'y naghahayag na ang Diyos, isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos. (Selah) 7“Kayong aking mga lingkod, makinig sa sasabihin; ako ay Diyos, ang inyong Diyos, salita ko'y unawain; ako'y mayroong patotoo't saksi laban sa Israel. 8Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog, ni sa inyong mga haing sa dambana'y sinusunog, 9bagaman ang mga toro'y hindi ko na kailangan, maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan. 10Pagkat akin iyang hayop sa gitna ng kagubatan, maging bakang naglipana sa maraming kaburulan. 11Akin din ang mga ibong lumilipad sa itaas, at ang lahat na may buhay sa parang ay akin lahat. 12“Kung ako ma'y nagugutom, hindi ko na sasabihin, yamang lahat sa daigdig na narito'y pawang akin. 13Ang karne ng mga toro, iyon ba'y aking pagkain? At ang inumin ko ba'y dugo ng mga kambing? 14Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat. 15Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin.” 16Ang tanong ng Panginoon sa masama't mga buktot, “Bakit ninyo inuusal ang aking mga utos? Gayundin ang kasunduang hindi ninyo sinusunod? 17Kapag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot, at ni ayaw na tanggapin ang aking mga utos; 18ang makitang magnanakaw ang nagiging kaibigan, at taong mapang-apid ang siya ninyong kasamahan. 19“Mabilis ang inyong dila sa masamang sasabihin; sa inyo ay balewala ang gawaing pagsisinungaling. 20Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid, at kay daming kapintasang sa kanila'y nasisilip. 21Kahit ito ay ginawa hindi kayo pinupuna, kaya naman ang akala, kayo't ako'y magkaisa. Ngunit ngayon, panahon nang kayo'y aking pagwikaan, upang inyong maunawa ang ginawang kamalian. 22“Kaya ngayo'y dinggin ito, kayong sa aki'y di pumapansin, kapag ako'y di dininig, kayo'y aking wawasakin; walang sinumang sa inyo'y makakaligtas sa akin. 23Ang parangal na nais ko na sa aki'y ihahain, ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.”

Trợ lý Emmaus