Emmaus

MBB

Mga Awit 51

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 51
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin ng Paghingi ng Kapatawaran1Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang-loob; mga kasalanan ko'y iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! 2Linisin mo sana ang aking karumhan, at patawarin mo'ng aking kasalanan! 3Mga pagkakasala ko'y kinikilala, di ko malilimutan, laging alaala. 4Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan; kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan, marapat na ako'y iyong parusahan. 5Ako'y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako'y iluwal. 6Nais mo sa aki'y isang pusong tapat; puspusin mo ako ng dunong mong wagas. 7Ako ay linisin, sala ko'y hugasan at ako'y puputi nang lubus-lubusan. 8Sa galak at tuwa ako ay puspusin; butong nanghihina'y muling palakasin. 9Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin, lahat kong nagawang masama'y pawiin. 10Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. 11Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. 12Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat. 13Kung magkagayon na, aking tuturuang sa iyo lumapit ang makasalanan. 14Ingatan mo ako, Tagapagligtas ko at aking ihahayag ang pagliligtas mo. 15Tulungan mo akong makapagsalita, at pupurihin ka sa gitna ng madla. 16Hindi mo na nais ang mga handog; di ka nalulugod, sa haing sinunog; 17ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat. 18Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion; at ang Jerusalem ay muling ibangon. 19At kung magkagayon, ang handog na haing dala sa dambana, torong susunugin, malugod na ito'y iyong tatanggapin.

Trợ lý Emmaus