Emmaus

MBB

Mga Awit 52

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 52
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Hatol at Habag ng Diyos1O taong malakas, bakit ka nagyabang sa gawa mong mali? Pag-ibig ng Diyos ang mamamalagi. 2Balak mo'y wasakin ang iba, ng iyong matalim na dila ng pagsisinungaling. 3Higit na matindi ang iyong pag-ibig sa gawang masama, higit na nais mo'y kasinungalingan kaysa gawang tama. (Selah) 4Taong sinungaling ang iba'y gusto mong saktan sa salita. 5Kaya't wawasaki't aal'sin ka ng Diyos sa loob ng tolda, sa mundo ng buháy aalisin ka niya. (Selah) 6Ito'y makikita ng mga matuwid, matatakot sila, at ang sasabihing pawang nagtatawa: 7“Masdan mo ang taong sa Diyos di sumampalataya, sa taglay niyang yaman nanangan at nagpakalakas sa kanyang kasamaan.” 8Kahoy na olibo sa tabi ng templo, ang aking katulad; nagtiwala ako sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas. 9Di ako titigil ng pasasalamat sa iyong ginawa, ang kabutihan mo'y ipahahayag ko, kasama ng madla.

Trợ lý Emmaus