Emmaus

MBB

Mga Awit 53

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 53
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Ang Kasamaan ng Tao1Sinabi ng hangal sa kanyang sarili, “Wala namang Diyos!” Wala nang matuwid lahat nang gawain nila'y pawang buktot. 2Magmula sa langit ang Diyos nagmamasid sa kanyang nilalang, kung mayro'ng marunong at tapat sa kanya na nananambahan. 3Ngunit kahit isa ni isang mabuti ay walang nakita, lahat ay lumayo at naging masama, lahat sa kanila. 4Ang tanong ng Diyos, “Sila ba'y mangmang at walang kaalaman? Ayaw manalangin, kaya't bayan ko'y pinagnanakawan.” 5Subalit darating ang di pa nadaranas nilang pagkatakot, pagkat ang kalansay ng mga kaaway, ikakalat ng Diyos, sila'y itatakwil, magagapi sila nang lubos na lubos. 6Ang aking dalangi'y dumating sa Israel ang iyong pagliligtas na mula sa Zion! Kung ang bayan ng Diyos ay muling umunlad, ang angkan ni Jacob, bayan ng Israel, lubos na magagalak!

Trợ lý Emmaus