Emmaus

MBB

Mga Awit 54

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 54
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Saklolohan1Makapangyarihang Diyos, ako'y iligtas, ipagsanggalang mo ng iyong lakas. 2Dinggin mo, O Diyos, aking panalangin, iyo ngang pakinggan, aking mga daing. 3Ang nagmamataas ay laban sa akin, hangad ng malupit ang ako'y patayin, kanilang nilimot na ang Diyos ay sundin. (Selah) 4Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong, tagapagsanggalang ko, aking Panginoon. 5Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway; ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan. 6Buong galak naman akong maghahandog ng pasasalamat kay Yahweh, dahilan sa kanyang kagandahang-loob. 7Iniligtas ako sa kabagabagan, iniligtas niya sa mga kaaway, at aking nakitang sila ay talunan!

Trợ lý Emmaus