Emmaus

MBB

Mga Awit 60

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 60
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin Upang Iligtas1Kami'y iyong itinakwil, O Diyos, kami ay nilupig, kami sana'y balikan mo kung ikaw man ay nagalit. 2Yaong lupang sinaktan mo'y nanginginig na lupain, bago lubos na mawasak, gamutin mo't pagalingin. 3Labis na ang paghihirap nitong iyong mga lingkod, lasing kami't langung-lango sa alak na iyong dulot. 4Silang mga sumasamba, O Diyos, iyong hinudyatan, upang sila'y makatakas sa kamay nitong kalaban. (Selah) 5Ang dalangin nami'y dinggin, sa lakas mo ay iligtas, upang sila na mahal mo'y mahango sa paghihirap. 6Sinabi nga nitong Diyos mula sa dako niyang banal, “Hahatiin ko ang Shekem tanda ng pagtatagumpay; ibibigay ko ang Sucot sa lingkod ko't mga hirang. 7Ang Gilead at Manases, ang lugar na yao'y akin; ang helmet na gagawin ko ay ang dako ng Efraim; samantalang itong Juda ay setrong dadakilain. 8Yaong bansa nitong Moab ay gagawin kong hugasan, samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan; at sa Filistia, tagumpay ko'y ipagsisigawan.” 9Sa lunsod na kinutaan, sino'ng kasama, Panginoon? Sino kayang magdadala sa akin sa lupang Edom? 10Itinakwil mo ba kami, kami ba ay iniwan na? Paano ang hukbo namin, sino ngayon ang sasama? 11O Diyos, kami'y tulungan mo, laban sa aming kaaway, pagkat ang tulong ng tao ay wala nang kabuluhan; 12Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin, matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin.

Trợ lý Emmaus