MBB
Mga Awit 61
MBB
Mga Awit
Cựu Ước
Tân Ước
Chương 61
Song song
Hiển thị
Panalangin Upang Ingatan ng Diyos1Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin; inyo pong pakinggan, ang aking hinaing! 2Tumatawag ako dahilan sa lumbay, sapagkat malayo ako sa tahanan. Iligtas mo ako, ako ay ingatan, 3pagkat ikaw, O Diyos, ang aking kanlungan, matibay na muog laban sa kaaway. 4Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay; sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah) 5Lahat kong pangako, O Diyos, iyong alam at abâ mong lingkod, tunay na binigyan ng mga pamana na iyong inilaan sa nagpaparangal sa iyong pangalan. 6Ang buhay ng hari sana'y pahabain; bayaang ang buhay niya'y patagalin! 7Paghahari niya sa iyong harapan, sana'y magpatuloy habang nabubuhay; kaya naman siya ay iyong lukuban ng iyong pag-ibig na walang kapantay. 8At kung magkagayon, kita'y aawitan, ako'y maghahandog sa iyo araw-araw.