Emmaus

MBB

Mga Awit 75

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 75
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Diyos ang Siyang Huhusga1Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga. 2Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon, walang pagtatanging ako ay hahatol. 3Itong mundong ito'y kahit na mayanig, maubos ang tao dito sa daigdig, ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah) 4“Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat. 5Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.” 6Hindi sa silangan, hindi sa kanluran, hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan. 7Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay. 8Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin. 9Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas. 10Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas!

Trợ lý Emmaus
Mga Awit 75 · Emmaus