Emmaus

MBB

Mga Awit 76

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 76
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Diyos ang Magtatagumpay1Tunay na si Yahweh'y kilala sa Juda, sa buong Israel, dakilang talaga; 2nasa Jerusalem ang tahanan niya, sa Bundok ng Zion, doon tumitira. 3Lahat ng sandata ng mga kaaway, mga pana't sundang, baluting sanggalang, doon niya sinirang walang pakundangan. (Selah) 4O Diyos, dakila ka, ikaw ay maringal higit pa sa matatag na kabundukan. 5Walang magawâ, matatapang na kawal, binawi ng Diyos ang taglay na samsam; nahihimbing sila at nakahandusay, mga lakas nila, lahat ay pumanaw. 6Nang ika'y magalit, O Diyos ni Jacob, sakay at kabayo'y pawang nangalugmok. 7Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan! Sino ang tatayo sa iyong harapan kapag nagalit ka sa mga kinapal? 8Sa iyong paghatol na mula sa langit, ang lahat sa mundo'y takot at tahimik. 9Nang ika'y tumayo't gawin ang paglitis, naligtas ang mga api sa daigdig. (Selah) 10Ang matinding galit sa iyo ng tao, hahantong na lahat sa pagpuri sa iyo. Silang nangaligtas sa mga labanan, laging magpupuri at mangagdiriwang. 11Mga pangako mo kay Yahweh, iyong Diyos, ay iyong tuparin nang tapat sa loob; dapat na magdala ng mga kaloob ang lahat ng bansa sa iyong palibot. 12Hambog na prinsipe ay ibinababâ, tinatakot niya hari mang dakila.

Trợ lý Emmaus
Mga Awit 76 · Emmaus