MBB
Mga Awit 87
MBB
Mga Awit
Cựu Ước
Tân Ước
Chương 87
Song song
Hiển thị
Awit ng Pagpaparangal sa Jerusalem1Sa Bundok ng Zion, itinayo ng Diyos ang banal na lunsod, 2ang lunsod na ito'y higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob. 3Kaya't iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lunsod ng Diyos: (Selah) 4“Kapag isinulat ko at ang mga bansang sa iyo'y sasama, aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia; ibibilang ko rin bansang Filistia, Tiro at Etiopia.” 5At tungkol sa Zion, sasabihin nila, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan, siya'y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.” 6Si Yahweh ay gagawa, ng isang talaan ng lahat ng taong doo'y mamamayan, (Selah) 7sila ay aawit, sila ay sasayaw, at sila'y sabay-sabay na magsasabing, “Ang aking mga pagpapala'y ang Zion ang bukal.”