Emmaus

MBB

Mga Awit 88

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 88
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Panalangin ng Paghingi ng Tulong1Yahweh, aking Diyos, tanging ikaw lamang, aking kaligtasan, pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan. 2Ako ay dinggin mo, sa pagdalangin ko ako ay pakinggan, sa aking pagdaing ako ay tulungan. 3Ang kaluluwa ko ay nababahala't puspos ng problema. Dahilan sa hirap pakiwari'y buhay ko'y umiiksi na. 4Ibinilang ako niyong malapit nang sa hukay ilagak, ang aking katulad ay mahina na't ubos na ang lakas. 5Ang katulad ko pa ay ang iniwanan sa gitna ng patay, animo'y nasawi na nananahimik sa kanyang libingan. Tulad na rin ako nitong mga tao na iyong nilimot, parang mga tao na sa iyong tulong ay hindi maabot. 6Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim, na tulad ng libingan na ubod ng dilim. 7Ikaw ay nagalit, at ang bigat nito'y sa akin nabunton, ang katulad ko'y tinabunan ng malaking alon. (Selah) 8Mga kasama ko'y hinayaan mo na ako ay iwan, hinayaan silang mamuhi sa aki't ako'y katakutan, kaya hindi ako makatakas ngayo't pintua'y nasarhan. 9Dahilan sa lungkot, ang aking paningi'y waring lumalamlam, kaya naman, Yahweh, tumatawag ako sa iyo araw-araw, sa pagdalangin ko ay taas ang kamay. 10Makakagawa ba ikaw, Panginoon, ng kababalaghan, para purihin ka niyong mga patay? (Selah) 11Ang pag-ibig mo ba doon sa libinga'y ipinapahayag, o sa kaharian niyong mga patay ang iyong pagtatapat? 12Doon ba sa dilim ang dakilang gawa mo ba'y makikita, o iyong kabutihan, sa mga lupaing tila nalimot na? 13Sa iyo, O Yahweh, ako'y nananangis at nananawagan, sa tuwing umaga ako'y tumatawag sa iyong harapan. 14Di mo ako pansin, Yahweh, aking Diyos, di ka kumikibo. Bakit ang mukha mo'y ikinukubli mo, ika'y nagtatago? 15Mula pagkabata ako'y nagtiis na, halos ikamatay; ang iyong parusa'y siyang nagpahina sa aking katawan. 16Sa aking sarili, tindi ng galit mo'y aking nadarama, ako'y mamamatay kundi ka hihinto ng pagpaparusa. 17Parang baha sila kung sumasalakay sa aking paligid, sa buong maghapon kinukubkob ako sa lahat ng panig. 18Iyong pinalayo mga kaibigan pati kapitbahay; ang tanging natira na aking kasama ay ang kadiliman.

Trợ lý Emmaus
Mga Awit 88 · Emmaus