Emmaus

MBB

Mga Awit 98

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 98
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Si Yahweh ang Hari ng Buong Mundo1Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay. 2Ang tagumpay ni Yahweh, siya na rin ang naghayag, sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas. 3Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad, tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay nahayag! 4Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit! 5Sa saliw ng mga lira kayong lahat ay umawit, at si Yahweh ay purihin sa ating mga tugtugin. 6Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari. 7Mag-ingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy, umawit ang buong mundo at lahat ng naroroon. 8Umugong sa palakpakan pati yaong karagatan; umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan. 9Si Yahweh ay dumarating, maghahari sa daigdig; taglay niya'y katarungan at paghatol na matuwid.

Trợ lý Emmaus