Emmaus

MBB

Mga Awit 99

MBB
Mga Awit

Cựu Ước

Tân Ước

Chương 99
Song song
Xem song song vớiSách và chương lấy theo bản đang đọc.
Bản dịch máy
Tiếng Việt
Русский
English
Français
中文(繁體)
日本語
한국어
עברית
Ἑλληνική
Español
Português (Portugal)
Tagalog
MBBMagandang Balita Biblia May DeuterocanonicoĐang đọc
Deutsch
Hiển thị
Cỡ chữ
Giãn dòng
Độ rộng
Phông chữ
Dịch sang

Si Yahweh ang Kataas-taasang Hari1Si Yahweh ay naghahari kaya't sa takot ay, mga tao'y nanginginig, trono'y sa ibabaw ng mga kerubin, kaya daigdig ay nayayanig. 2Si Yahweh'y dakilang tunay, sa Zion o sa mga bansa, si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga nilikha. 3Purihin natin ang banal at dakila niyang ngalan, si Yahweh ay banal! 4Ikaw ay dakilang Hari, umiibig sa katuwiran, ang dulot mo sa Israel ay ganap na katarungan; ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay. 5Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na parangalan; sa harap ng kanyang trono, tayo ay manambahan! Si Yahweh ay banal! 6Si Moises at si Aaron, na mga pari niya; at si Samuel nama'y lingkod na sa kanya ay sumamba; nang si Yahweh'y dalanginan, dininig naman sila. 7Si Yahweh ay nagsalita sa isang haliging ulap; sila naman ay nakinig, utos niya ay tinupad. 8O Yahweh na aming Diyos, sinagot mo sila agad, at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad; ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa'y hindi tumpak. 9Ang Diyos natin na si Yahweh, dapat nating parangalan, sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan! Si Yahweh na ating Diyos ay banal!

Trợ lý Emmaus